Mayroong mahalagang resoures o yaman ang Pilipinas sa West Philippine Sea na siyang pinag-iinteresan ng China.
Ito ang paniniwala ni Surigao Del Norte Representative Ace Barbers kung naruruon ang mga Chinese militia vessels sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.
Giit ni Barbers, hindi naman mananatili sa lugar ng ilang buwan ang mga sasakyang pandagat ng China kung wala itong kailangan sa lugar.
Kung kaya’t ani barbers, dapat ay protektahan at panatilihin ng Pilipinas asng exclusive use sa teritory lalo na kung makapagbibigay ng economic recovery sa bansa ang mga yamang taglay nito.
Paliwanag ni Barbers na sa EO 130 malayang pinapayagan ang bansa na i-explore ang West Philippine Sea kahit pa may presensya ang China rito.
Sa huli, binigyang diin ni Barbers na hindi dapat nagpapadikta ang Pilipinas sa China dahil malinaw na atin ang naturang teritoryo.