Umapela ang gobyerno sa Hongkong na huwag i-single out ang mga Overseas Filipino Workers o OFW sa sapilitang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito’y matapos maglabas ng anunsiyo ang Hongkong na gawing mandatory ang pagbabakuna sa mga domestic workers bago i-renew ang kontrata sa trabaho.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nirerespeto ng gobyerno ang karapatan ng Hongkong sa pagtatakda ng requirement para sa renewal ng kontrata pero sana ay hindi i-single out ang mga OFWs sa kanilang bansa.—sa panulat ni Rashid Locsin