Nakabinbin pa sa Food and Drug Administration (FDA) ang kaso ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na binakunahan ng hindi rehistradong bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ay dahil wala silang makuhang impormasyon hinggil dito at kahit maging ang Department of Health (DOH) ay sa kanila pa humihingi ng detalye.
Naungkat ang pagpapabakuna ng Presidential Security Group (PSG) members matapos mabakunahan ng Sinopharm ang Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Pebrero ng taong ito nang gawaran ng FDA ng compassionate use permit ang 10,000 doses ng Sinopharm vaccine para maiturok sa mga miyembro ng PSG.