Umabot na sa kabuuang 1,067,892 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 5,683 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 66,060 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 97 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 17,622 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
984,210 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 9,028 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 5,682 ngayong Martes, May 4.
Pumalo na sa kabuuang 1,067,892 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 66,060 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/bdb8XbHux8
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 4, 2021