Hindi kinilala ng Pilipinas ang annual fishing ban ng China sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kaugnay sa fishing moratorium na ipinatupad ng China mula pa noong 1999 simula ika-1 ng Mayo hanggang ika-16 ng Agosto kung saan sakop nito ang bahagi ng South China Sea at iba pang karagatang sakop ng China.
Giit ni Esperon, hindi sakop nito ang mga barkong pangisda ng mga Pinoy dahil hindi naman dapat aniyang mag proklama ang China ng fishing ban sa ating teritoryo na West Philippine Sea.
Una rito, hinikayat ng gobyerno ang mga mangingisdang Pinoy na ipagpatuloy ang pangingisda sa nasabing teritoryo.