Mayroong bandwagon o domino effect ang pagpapabakuna na kontra COVID-19 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Sonny Angara , naniniwala siya na matapos makita ng publiko ang pagpapabakuna ng Pangulo makukumbinsi nang magpa-vaccine ang marami nating kababayan na may agam-agam pa rin.
Ganito rin ani Angara, ang nangyayari sa iba nating mga kababayan na kapag may nakita ng personal o sa social media na mga kakilala na nagpapabakuna ay siya ring pagsunod-sunod ng mga ito.
Mababatid, na ipinakita sa publiko ang pagpapabakuna ng pangulo kung saan si health Secretary Francisco Duque III, mismo ang nagturok sa Pangulo gamit ang Sinopharm vaccine.