Nagbigay na ng ‘go signal’ ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magamit ng telecommunication companies ang mga bahagi ng right of way ng gobyerno para mapaganda ang internet service sa bansa.
Ayon pa sa direktiba ng DPWH, pinadali na rin ang pag-apruba ng permit requirements mula sa mga telco kabilang na ang pagbaba pa ng bayarin.
Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na malaking bagay ang nasabing desisyon ng DPWH para maibigay sa mga Pilipino ang kinakailangang connectivity lalo na ngayong may pandemya.
Welcome development din ang nasabing kautusan ng DPWH sa PLDT, Globe, Converge at Dito dahil makatutulong ito para mapabilis ang pagpapatupad ng kanilang infrastructure projects lalo na sa mga national road.