Handa ang Philippine Bar Association (PBA) na i-host ang debate sa pagitan ng Pangulong Rodrigo Duterte at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa usapin ng West Philippine Sea.
Tiniyak ito ni PBA President Rico Domingo sakaling magkasundo sa petsa ng debate sina Pangulong Dutere At Carpio.
Bilang pinakamatagal na voluntary private organization ng mga abogado sa bansa sinabi ni Domingo na magkakaloob sila ng balanced arena para sa dalawang abogado na may kapwa mataas na estado at sapat na karanasan para pag usapan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa mga claims sa WPS.
Libre aniyang ibibigay ng PBA ang forum at walang gagastusin ang magkabilang panig bilang suporta sa mataas na diskurso para maisulong ang rule of law sa usaping tiyak na pakikinabangan ng mga Pilipino.