Dapat umanong magkaroon ng paninindigan ang Food and Drug Administration o FDA sa guidelines hinggil sa paggamit ng anti-parasitic drug na ivermectin.
Ito ang iginiit ni Health Committee Chair Rep. Helen Tan sa gitna ng kontrobersiya sa paggamit ng ivermectin bilang gamot o panlaban sa COVID-19.
Ayon kay Tan, anoman ang magiging desisyon dito ng FDA, maaari itong gawing batayan sa iba pang posibleng gamot na lumitaw at sabihing mainam ding lunas sa COVID-19.
Giit ni Tan, kung papayagan nila ang ganitong pamamaraan sa paggamit ng isang gamot, kung saan nasangkot ang dalawang pulitiko, tiyak aniyang mawawalan ng tiwala ang publiko.
Magugunitang anim na ospital lamang ang binigyan ng FDA ng compassionate use permits para sa paggamit ng Ivermectin.