Pinasisibak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si Capiz Governor Victor Tanco, Sr. at anak nitong si Vladimir Tanco.
Kaugnay ito sa paglabag ng mag-amang tanco sa grave misconduct matapos ireklamo nang pangingikil ng 3 milyong piso ng isang contractor kaugnay sa Mambusao District Hospital Project.
Bukod dito, ibinunyag ng contractor ang pagbabanta pa ng batang Tanco na ipapa-blacklist sa mga kontrata ng local government kapag hindi nagbigay ng pera.
Ang mag-amang tanco ay pinagbawalan nang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at forfeited na ang mga benepisyo ng mga ito.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)