Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang dating pangulo ng Maldives at kasalukuyang parliament speaker na si Mohamed Nasheed.
Ayon sa ulat, kalalabas lang ni Nasheed sa kanilang bahay at pasakay na ng kanyang sasakyan nang biglang sumabog ang isang bomba na nakakarga sa isang motorsiklo.
Sinasabing sumailalim na sa multiple surgeries ang limampu’t tatlong taong gulang na lider pero malubha pa rin ang kalagayan nito.
Wala pang naaarestong suspek sa naturang pag-atake.