Pumalo na sa kabuuang 1,013,204 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng health department, ito’y makaraang maitala ang 10,179 na mga bagong gumaling sa virus.
1,094,849 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 matapos na madagdagan ng 6,979.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 170 na mga bagong nasawi sa virus, dahilan para umakyat ang bilang nito sa 18,269.