Hinimok ni House Minority Leader Martin Romualdez ang Health Department at iba pang eksperto sa bansa na makilahok sa talakayan hinggil sa panawagan para i-waive ang patent protection para sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Romualdez, nararapat lamang na lumahok ang Pilipinas sa negosasyon ng vaccine manufacturers kung papaano makakukuha nito oras na matuloy ang suspensyon sa intellectual property protections nito.
Giit ni Romualdez na suportado niya ang hakbang ng Estados Unidos na itulak ang pagtatanggal ng patent para sa mga bakuna sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Mababatid na una nang nanawagan ang India at South Africa na pansamantalang alisin ang intellectual property protections nito para makatulong sa pagpapalakas ng produksyon sa mga developing countries na kakaunti pa lamang sa ngayon ang mga natatanggap na bakuna kontra COVID-19.