Hindi palalawigin ang voter registration period.
Ito ang nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez kahit suspendido ang pagpaparehistro sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine status.
Nabatid na target ng komisyon na magkaroon ng pitong milyong bagong rehistradong botante para sa 2022 elections.
Gayunman, nasa 2.8 milyon pa lamang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30.
Itinakda naman ang deadline para sa voter registration hanggang Setyembre 30 ngayong taon.