Inihayag ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na hinihintay pa nila ang aaprubahang protocols ng Korte Suprema na magsisilbing gabay ng mga pulis ukol sa tamang paggamit ng body cameras sa kanilang operasyon.
Paliwanag ni Eleazar, oras na maglabas na ang Supreme Court ng alintuntunin ay saka pa lamang sila magpapatupad o magsisilbi ng mga search warrants.
Ayon sa bagong hepe ng Pambansang Pulisya, nararapat nang pagsuutin ng body camera ang mga alagad ng batas para hindi sila nasisisi kapag may kumukuwestiyon sa mga police operations.
Bukod dito, maililigtas din aniya nila ang sarili sa anumang kaso kaugnay sa mga operasyon laban sa mga suspek.