Takot pa ring umuwi sa kani-kanilang mga bahay ang maraming residente ng Datu Paglas, Maguindanao.
Ito’y matapos lumikas ang mga ito nang magkasagupa ang militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Kahit nakauwi na ang ilang residente, marami pa ring ayaw bumalik sa kanilang tahanan dahil sa takot na muling magkaroon ng bakbakan.
Magugunitang nagka-engkwentro ang mga sundalo at ang tinatayang dalawampung miyembro ng BIFF sa nasabing bayan noong Sabado.
Samantala, bagama’t may ilang bahay na nasira matapos tamaan ng bala at bomba ay wala namang nalagas sa panig ng militar.