Tinatayang P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila.
Kabilang sa mga natimbog ang mga suspek na 37 hanggang 38 taong gulang makaraang bentahan ng shabu ang isang pulis na poseur buyer sa Barangay 124.
Bukod sa shabu na umano’y nagkakahalaga ng P1 milyong, nasabat din sa operasyon ang isang baril.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa tatlong suspek.