Hindi sapat na tugon sa usapin ng pork importation ang naging compromise deal sa pagitan ng senado at ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Ayon ito sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) para lamang may masabing ginawa ang mga otoridad sa usapin ng minimum access volume (MAV) sa pork importation at pagbaba ng taripa rito.
Sinabi ni KMP President Emeritus Rafael “Ka Paeng” Mariano na malaking banta pa rin sa lokal na industriya nang pagbababoy ang nasabing kasunduan nina Dominguez at Senate Presidente Vicente Tito Sotto III.
Ang tunay aniyang layunin ng kasunduan ay para mabawasan ang pressure ng publiko at isulong pa rin ang interes ng mga importer at mga dayuhang negosyo.