Inamin ni Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Sa katunayan, ipinabatid sa DWIZ ni Moreno, na nasa 5,376 ang COVID-19 cases ng lungsod hanggang kahapon at nasa average na 60 hanggang 70 cases kada araw.
Ito ay matapos mapabilang ang Cagayan De Oro City sa tatlong lugar na sa mga lalawigan na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo.
Gayunman, inihayag ni Moreno na manageable pa naman ang kanilang health system sa critical care at adjusted na ang ICU (intensive care unit) beds sa lungsod.
Manageable pa naman ‘yung ating health system… adjusted na ‘yung ating ICU beds, ‘yung ating makina tulong sa mga nahihirapang huminga. ‘Yung ating contact tracing system is okay pa naman,” ani Moreno. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais