Iimbestigahan ng PhilHealth ang mga nagaganap na “upcasing” sa mga pagamutan.
Ito’y matapos makatanggap ang PhilHealth ng mga reklamo hinggil sa “upcasing” o pagpapalala ng sakit para mas malaki ang makukuhang benefit claims.
Umabot na sa 900 ang natanggap ng ahensya simula pa lamang ng taong 2021.
Habang nasa 2,000 naman ang natanggap nila na reklamo ukol dito noong nakaraang taon.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo, nadiskubre ang mga naturang reklamo noong pinoproseso na ang mga claims.
Bukod dito, sinabi rin ng PhilHealth na paiimbestigahan rin nito ang mga “ghost claims” kung saan may mga ospital ang mayroong pekeng confinement.
Samantala, hinimok ng PhilHealth ang mga pasyente na agad isumbong sa kanilang opisina ang anumang matatanggap na reklamo tungkol dito. —sa panulat ni Rashid Locsin