Pinaalalahanan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga airline companies na siguruhin na tanging mga dayuhan lamang na pwedeng makapasok sa bansa ang makakapag-board o makakasakay ng kani-kanilang mga flight.
Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na reponsibilidad ng mga airline company ang mga dayuhang pasahero na siyang makapapasok sa kanilang mga biyahe papunta dito sa Pilipinas.
Ibig sabihin ang mga dayuhang walang mga valid at existing visas ay pansamantala munang hindi papayagang makapasok na bansa bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19.
Sa huli, babala ng BI sa sinumang mga airline company na lalabag sa naturang kautusan ay hindi sila magdadalawang isip na ito’y pagmultahin.