Dumating na sa Pilipinas ang 193,050 doses ng mga bakuna kontra COVID-19 na gawang Pfizer-Biontech na donasyon ng World Health Organization (WHO) mula sa COVAX facility nito.
Ganap na 8:51 ng gabi ngayong Lunes nang lumapag ang air Hongkong sa NAIA terminal 2 lulan ang higit sa 190K doses ng mga bakuna konta COVID-19.
Mababatid na ang naturang mga bakuna ay agad na ihahatid ng mga refrigerated vans patungong storage facilities nito na may negative 80 hanggang negative 60 °C na temperatura sang-ayon sa temperature requirement ng mga ito.
Nauna rito, ang 132,210 doses ng Pfizer-Biontech ay ilalaan sa Metro Manila, habang ang mga lungsod ng Cebu at Davao ay makatatanggap ng tig-15% ng bakuna o tig-29,250 doses.
1,710 doses naman ang matatanggap ng Quirino province habang ang nalalabing 1,710 doses ng naturang brand ng bakuna ay siyang magsisilbing buffer stock.