Pitong bakuna na ang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Kabilang dito, ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sputnik V, Sinovac, Bharat Biotecxh, Janssen at Moderna.
Sinabi ni Domingo na wala pang EUA application para sa Sinopharm vaccine subalit nabigyan na ito ng emergency use listing (EUL) ng World Health Organization (WHO) noong ika-7 ng May kaya’t maaaring ang Department of Health (DOH) na ang mag-apply ng EUL para sa Sinopharm na tiyak aniyang magiging mabilis dahil sa naunang WHO EUL.
Hinihintay naman ng FDA ang pag-apply ng Novavax ng EUA.