Idinipensa ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang paglalagay sa kanilang lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Mamba, mismong siya na ang lumapit sa national Inter-Agency Task Force (IATF) at nakiusap dito na ilagay ang Cagayan sa MECQ dahil apektado na ang buong probinsya kung saan 60% ng kabuuang kaso nito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay mula sa Tuguegarao City.
Tila aniya modified MECQ ang nangyayari sa Tuguegarao City na sa tingin niya ay nagpapataas pa sa kaso ng COVID-19 sa lungsod at maging sa iba pang bahagi ng probinsya.
Apektado po kaming lahat doon sa nangyayari sa Tuguegarao. 60% of our COVID cases ay nasa Tuguegarao… Kaya noon pa sinasabi ko na na ang problema ay ‘yung home quarantine ng mga positive cases, nilalagay nila sa mga bahay-bahay, hindi sila nagpagawa ng mga isolation centers sa bawat barangay,” ani Mamba. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais