Pabor si Dr. Ted Herbosa na maisailalim na sa general community quarantine ang National Capital Region (NCR) Plus.
Ito, ayon kay Herbosa, medical expert sa National Task Force on COVID-19 ay dahil bumababa na ang 7-day average attack rate na maaaring maging 3,000 hanggang 5,000 sa mga susunod na linggo, ang reproduction number na nasa below 1% na, at maging ang hospitalization utilization rate.
Manageable na ‘yung number of new cases, pangalawa, ‘yung tinatawag na reproductive number, ‘yung numero nasa below 1 na tayo, that means ihihinto na natin ‘yung transmission kaya bumababa na ‘yung new cases. ‘Yung ating hospital utilization rate tuluyan nang bumababa,” ani Herbosa.
Gayunman, binigyang diin sa DWIZ ni Herbosa na pinakamahalaga pa rin ang pagtugon o aksyon ng tao sa pandemya.
Ang importatne ‘yung behavior ng tao, tignan mo MECQ tayo, nag-open ‘yung isang resort sa Caloocan. Kahit na ganoon ang classification mo, kung ang mga tao ay, may magbubukas ng resort, at magpupuntahan… Sinasabi ko nga, pag matataong lugar, umalis ka na, umiwas ka na,” ani Herbosa. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais