Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant na na-detect sa India.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawang kaso ng India variant ang natukoy nilang nakapasok na sa bansa.
Magugunitang limang nagbiyahe mula sa India ang nagpositibo sa COVID-19 noong isang linggo at kabilang ang mga ito sa mahigit 100 pasahero na dumating sa Pilipinas bago pa man higpitan ang border restrictions noong ika-29 ng Abril para sana hindi makapasok ang nasabing bagong variant.
BREAKING: DOH, kinumpirma ang pagkakatala ng dalawang kaso ng India variant ng COVID-19 sa Pilipinas https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/gFVYsPgJ7n
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 11, 2021
Una nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na maituturing na global concern ang B.1.617 na unang nadiskubre noong isang taon at pang-apat na variant na nangangailangan ng mas pinahigpit na tracking at analysis bukod pa sa higit itong nakakapinsala kumpara sa UK, South Africa at Brazil variants.