Nasa Casiguran, Aurora na ang Pangulong Noynoy Aquino kasama ang ilang opisyal ng gobyerno.
Ang Pangulo ay binibigyan na ng briefing ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council hinggil sa naging danyos ng bagyong lando sa Aurora.
Nakatakda ring magsagawa ng aerial inspection ang Pangulo kaugnay sa mga pinsala ng bagyong lando sa naturang lalawigan.
Aalamin din ng Pangulo ang takbo nang pamamahagi ng relief goods para sa mga biktima ng naturang bagyo.
Bitbit din ng Pangulo ang dagdag na relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyong Lando sa nasabing probinsiya.
By Judith Larino