Wala pang opisyal na kumpirmasyon ang Philippine Airlines (PAL) hinggil sa plano nitong maghain ng chapter 11 bankruptcy protection sa Amerika.
Nalubog umano sa utang ang PAL matapos ang serye ng lockdown na naging dahilan para isara ang boarders ng mga bansa at pansamantalang itigil ang mga biyahe.
Lumutang ang plano ng PAL na maghain ng court protection mula sa creditors habang sumasailalima ito sa debt restructuring at isa sa mga option nito ang US chapter 11.
Nabatid na nakikipagtulungan na ang PAL sa international law firm na Norton Rose Fulbright habang kinuha naman nito ang New York-based finance specialist na Seabury Capital bilang adviser.
Mayroon umanong $5-billion o halos P3-trilyong utang ng PAL Holdings kabilang na ang obligasyon nila sa kanilang inutangan.