Laganap na sa maraming bansa ang variant ng COVID-19 na itinuturong dahilan ng patuloy na paglala ng sitwasyon ng COVID-19 pandemic outbreak sa India.
Ayon sa World Health Organization, naitala na ang B.1.617 variant ng COVID-19, na unang natagpuan sa India noong Oktubre, sa 44 na bansa sa anim na WHO regions.
Dagdag pa ng health agency, nakatatanggap pa sila ng ulat ng pagkakatala ng India variant ng virus sa lima pang karagdagang bansa.
Magugunitang kahapon, ika-11 ng Mayo, nang ianunsyo ng Department of Health na may dalawa nang kumpirmadong kaso ng India variant ng COVID-19 ang nakapasok sa Pilipinas.