Magpapatupad ng balasahan sa 356 na mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang naturang hakbang ay para maiwasan ang korapsyon sa kanilang hanay na siyang nakatalaga sa paliparan.
Dagdag pa ni Morente na ang terminal rotation scheme ay ipatutupad ngayong araw o Mayo 12.
Bukod pa rito, kabilang din sa tinamaan ng rigodon ay ang 79 na mga immigration supervisors.
Sa huli, binigyang diin ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na ang naturang hakbang ay para matuldukan ang korapsyon pati na rin ang pagtitiyak na may sapat na manpower para maserbisyuhan ang mga pasahero batay sa dami ng flights.