Pinarangalan ng United Nations (UN) ang tatlong Pinoy staff members nito na nasa nasawi habang nakaduty.
Kabilang sa mga pinarangalan ni UN Secretary General Antonio Guterres sa annual memorial service sa UN headquarters sa New York sina Joanna Abaya na nagsilbi sa UNICEF, Dr. Ronald Santos na nasa United Nations Assistance Mission for Iraq at Maria Luisa Almirol Castillo na bahagi ng United Nations High Commission for Refugees.
Ayon kay Guterres, ang mahigit 300 tauhan ng UN mula sa 82 bansa ay nasawi bilang peacemakers o coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong 2020.
Ipinaabot naman ni Ambassador Enrique Manalo, permanent representative ng Philippine Mission to the United Nations ang pasasalamat sa UN sa pagkilala sa serbisyo at sakripisyo ng mga Pilipinong empleyado nito at ang dedikasyon ng mga ito ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino.