Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro ngayong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 11 kilometro, hilagang silangan ng Abra De Ilog dakong alas-9:09 ng umaga.
May lalim itong 110 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, bagaman walang inaasahang pinsala dahil sa naturang lindol ay inaasahan naman ang pagkakaron ng mga aftershocks.
#EarthquakePH#EarthquakeOccidentalMindoro
Earthquake Information No.1
Date and Time: 12 May 2021 – 09:09 AM
Magnitude = 5.8
Depth = 110 kilometers
Location = 13.55N, 120.73E – 011 km N 01° E of Abra De Ilog (Occidental Mindoro)https://t.co/f4WGnEJvFhpic.twitter.com/u7BNq921Mn— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) May 12, 2021
Intensities ng lindol
Dahil sa M5.8 na lindol sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
- Intensity III
• Agoncillo, Cuenca, Lipa City atTalisay, Batangas
• General Trias City and Dasmariñas, Cavite
• Calamba, Laguna
• Makati, Muntinlupa, Mandaluyong, Pasay, Pasig at QC
• San Pedro, Laguna - Intensity V
• Lubang, Occidental Mindoro
• Calamba, Laguna
• Calatagan and Calaca, Batangas - Intensity IV
• Malvar and Lemery, Batangas
• Calapan City, Oriental Mindoro
• Mendez, Cavite
• Limay, Bataan
• Tagaytay City
• Manila City - Intensity II
• Caloocan at Marikina
• Olongapo City, Zambales
• Cavite City
• Sta. Cruz, Laguna
• Taysan, Batangas
• Batangas City
• Lucena City
• Binangonan, Rizal
• Dolores and Mulanay, Quezon
- Intensity I
• San Mateo, Rizal
• San Francisco, Quezon