Nagsampa ng kasong graft and corruption ang pamunuan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban kay National Electrification Administration (NEA), Administrator Edgardo Masongsong.
Ayon kay PACC Chair, Greco Belgica ang isinampang kaso laban kay Masongsong ay bunsod ng pagpayag nitong magbigay ng kontribusyon o ambag ang electric cooperatives para sa pangangampanya ng isang partylist group noong halalan 2019.
Giit ni Belgica, na bagamat batid ni masongsong ang naturang kontribusyon ay hindi niya pa rin ito ipinatigil.
Sa huli, ayon kay Belgica na alinsunod sa kanilang imbestigasyon ay lumabas na may probable cause o sapat na basehan na pag-aralan ng Ombudsman at maging daan na malitis si Masongsong.