Ipinag-utos ni Department of Foreign Affaris (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa namataang 287 militia vessels nito sa West Phlippine Sea.
Nabisto ang Chinese militia vessels na nakatambay sa katubigang bahagi ng bansa sa isinagawang maritime patrols nitong ika-9 ng Mayo na patunay na pagsuway sa mga naunang protesta at demand ng gobyerno para alisin na ang mga barko nito sa teritoryo ng Pilipinas.
Magugunitang iginiit ni Locsin ang paghahain ng diplomatic protest kahit araw-araw pa hanggang tuluyang i-atras ng China ang mga barko nito sa West Philippine Sea.