Suspendido ang klase sa Davao City mula kindergarten hanggang post-graduate studies sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan simula May 14 hangang 15 dulot ng pananalasa ng bagyong Crising sa lungsod.
Bukod pa rito, wala ring pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno maliban sa safety and security, health, social services, at disaster offices.
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, nasa kamay na ng mga pribadong opisina at establisyemento ang pagpapasya kung magsususpinde rin ang mga ito ng pasok.
Sa ngayon, nakataas sa signal no. 1 ang lungsod ng Davao at iba pang lugar asa Mindanao habang signal no. 2 naman ang ilan pang lugar.