Makakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho sa ibang bansa ang halos 5,000 Pinoy nurses na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.
Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang 4, 610 Pinoy nurses ay nakatapos na ng kanilang kontrata sa ibang bansa at maaari nang mag trabaho muli dahil sa pagiging in demand ng mga ito sa ibang bansa.
Ipinabatid ni Bello na inalis na ng United Kingdom ang employment cap na 5,000 para sa Filipino nurses dahil sa oversupply.
Pinag-a-aralan na rin umano ang pag-aalis ng employment cap sa bansang Germany.
Inamin naman ni Bello ang pangambang kapusin ang nurses sa bansa dahil sa taas ng demand ng Pinoy nurses sa ibang bansa.