Libre pa rin ang sakay para sa mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) sa mga lugar na nasa ilalim ng kahit anumang quarantine classification ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade.
Ito ay kasunod ng anunsyo ng Palasyo na isasailaim ang NCR plus sa General Community Quarantine with heightened restrictions simula Mayo 15 -31, 2021.
Magugunitang, ang naturang libreng sakay ay programa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng proyektong sa ilalim ng Service Contracting Program na layuning makalibre ng pamasahe ang taong-bayan lalo na ngayong pandemya.