Umusad na sa kongreso ang panukalang batas na magtatatag ng isang kawanihan na siyang mamamahala sa mga nakaimbak na gamot, bakuna at iba pang medical devices o equipment sa panahon ng public health emergencies.
Ito’y makaraang aprubahan ng House Committee on Appropriations ang funding provisions sa panukalang naglalayong bumuo ng ‘Health Procurement and Stockpiling Bureau’ sa ilalim ng Department of Health o DOH.
Batay pa rin sa bill, itinutulak ang paglalaan ng medical stockpiling fund na susuporta naman sa itatatag na national drug & device security program.