Bibigyang ng connectivity load ng pamunuan ng Education Department ang kanilang mga guro para sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng blended learning sa bansa.
Ito’y ayon kay Educations Secretary Leonor Briones, aniya may pandemya man o wala, nakahandang umalalay ang ahensya sa mga guro nito para matiyak na nasa maayos ang kani-kanilang paghahatid ng kalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral.
Mababatid na ayon kay Education Usec. Alain Del Pascua na kanila nang sinimulan ang pagbili ng mga connectivity load na may 30-35 data allocation kada buwan.
Giit ni Del Pascua, na sapat na ang naturang data allocation para sda kanilang mga online teaching dahil kung susumahin ay 1GB lamang kada araw ay sapat na sa kanilang mga ginagawang aktibidad gaya ng online webinars, downloading at iba pa.
Sa huli, ani Del Pascua na posibleng sa susunod na buwan ay sisimulan na nila ang pag-rollout ng mga data o connectivity load.