Walang plano ang pamahalaan na alisin ang ipinatutupad nitong face mask policy kahit pa sa mga indibidwal na nabakunahan kontra Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na ebidensyang makapagpapatunay na ligtas na laban sa virus ang mga naturukan ng bakuna kahit walang mask ang mga ito.
Giit ni Vergeire, kahit ang mga vaccinated individuals ay maaari pa ring mahawa at makahawa ng virus.
Binigyang diin pa ng opisyal na hindi maaaring gayahin ng Pilipinas ang ibang bansa tulad ng Estados Unidos dahil nabakunahan na aniya laban sa sakit ang malaking bahagi ng kanilang populasyon.