Suspendido ng 6 na buwan si Bacolod City Administrator Rolando Villamor.
Kasunod ito nang pag akto ni Villamor na kinatawan ng isang pribadong kumpanya sa isang civil case na isinampa laban sa City government.
Ayon sa Ombudsman, guilty si Villamor sa nasabing paglabag sa batas dahil hindi ito uubrang magsilbi sa interes ng pribadong sektor lalo nat opisyal ito sa City government.
Binigyang diin ng Ombudsman na dapat panatilihin ang pagtitiwala sa mga taga gobyerno lalo na’t maituturing na esteemed position ang pagiging City Administrator.
By: Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)