Nasakote ng mga awtoridad ang dating finalist ng isang sikat na TV talent show kasunod ng ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna.
Kinilala ng Laguna Provincial Police ang suspek na si Mark Joven Olvido na tinaguriang “vape master” matapos sumali sa Pilipinas Got Talent noong 2018 kung saan lumabas din siya sa ilang palabas at pelikula.
Nakatanggap ng sumbong ang mga pulis hinggil sa umano’y illegal activities ni Olvido kaya’t isinagawa ang operasyon sa Barangay Duhat.
Tatlong maliit na sachets ng hinihinalang shabu at buy-bust money na 2,000 pesos ang nasabat mula kay Olvido.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Sta. Cruz Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.