Inaprubahan na ni Pang. Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na tapyasan o bawasan ang most favored nation (MFN) tariff rates ng mga imported rice o mga bigas na inangkat mula sa ibang bansa.
Base sa inisyu na Executive Order No. 135 ng Office of the President, nakasaad dito na sa loob ng isang taon, tatapyasan ng 35% ang MFN tariff rates para sa mga bigas mula sa dating 40% hanggang sa 50%.
Dahil dito, naniniwala ang Malacañang na magkakaroon ng mas maraming market sources ang bansa, tataas ang rice supply, magiging abot-kaya ang presyo ng bigas, at mapapababa ang inflation rate.
Samantala, nagkaroon din ng pagbaba sa tariff rates ng mga karne ng baboy sa ilalim ng EO no. 134.
Alinsunod sa naturang EO , ibinaba ang pork tariff rate sa 5% in-quota at 15% out-quota sa loob ng unang tatlong buwan mula sa dating 30% in-quota at 40% out-quota.
Samantala, ibinaba rin ang kasalukuyang tariff rate sa 10% in-quota at 20% out-quota mula sa apat hanggang 12 buwan.
Tiwala naman ang Malakanyang na sa ipinatupad ngayon na adjusted tariff rate ng pamahalaan magiging balanse na ang rice at pork supply ng bansa na magbibigay daan upang maibalik ang abot kayang halaga ng mga naturang produkto.