Target ng Department of Health (DOH) na mapababa sa limang araw ang proseso ng detection at isolation para sa mga indibidwal na positibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagdesisyon ang national government na luwagan ang quarantine classification sa NCR plus at ilang lugar sa bansa dahil sa pagiging responsible umano ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa COVID-19 detection and isolation.
Dahil dito, nais ni Vergeire na makamit ang 5.5 days na mabilisang pag-detect at pag-isolate sa mga biktimang nahawaan ng virus.
Sa ngayon kasi aniya pumapalo pa sa 9 to 11 days ang kailangang hintayin bago ma-isolate ang isang taong may sakit.