Pinarerepaso ni Senador Sherwin Gatchalian ang estado ng paggamit ng Filipino sign language para sa deaf education sa ilalim ng K to 12 program.
Sa harap ito ng patuloy na mga problemang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic upang maisulong ang edukasyon para sa mga guro at mag-aaral na may kapansanan.
Layon ng Resolution 722 na inihain ni Gatchalian na suriin ang iba’t ibang mga usapin at suliranin ng deaf teachers at learners sa paggamit ng Filipino sign language, lalo pa’t nababahala aniya siya dahil hindi naipapatupad nang maayos ang Filipino Sign Language Act.
Sinabi ni Gatchalian na kulang pa rin ang training o pagsasanay para sa mga guro dahil hindi naisusulong ang pagbibigay ng lisensya sa deaf teachers at nananatiling kulang ang mga kagamitan sa pagtuturo para dito bagay na mas nakita sa ilalim ng distance training.
Sa ilalim ng batas, ang Filipino sign language ay itinuturing na pambansang sign language. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)