Pinapurihan ng World Health Organization (WHO) Philippine Office at national government ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Ito’y dahil sa mahusay na vaccination rollout ng Lungsod nang tanggapain nito ang aabot sa 7,020 doses ng bakuna kontra COVID 19 mula sa Pfizer BioNTech.
Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, pinuno ng WHO Philippines, katangi-tangi ang pagtugon ng Taguig City dahil sa ginawa nitong pagsisikap at malawak na pagpapalano ng bawat detalye para sa vaccine rollout.
Pinuri rin nito ang mega quarantine facility ng lungsod sa Lakeshore bilang isang makabagong training center kung saan ang mga medical experts at practitioners ay nagsasagawa ng mga seminars para sa proper handling upang mapahusay ang ginagawang pagbabakuna.
Mr. Mayor, sincere thanks for your leadership,” papuri ni Dr. Abeyasinghe kay Cayetano.
Kumbinsido naman si COVID-19 Response Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa patuloy at maayos na pagbabago ng Taguig Local Government Unit (LGU) sa kanilang COVID-19 response.
I would like to thank Mayor Lino. Alam ninyo ‘pag laging pumupunta kami dito, laging may bago,” pahayag naman ni Galvez.
Kamakailan ay inilunsad ng Taguig City ang Park ‘N Test testing option & vaccination Bus kung saan ang mga vaccination priority list subalit hindi makapunta sa mga vaccination center ay pinupuntahan at sa nasbaing bus na lang binabakunahan.
This new vaccination bus is a self-contained, clean, and safe location for vaccinations to take place with each unit augmenting the streamlined vaccination process being done across the city’s MegaVaccination Hubs and Community Vaccination Centers,” wika ni Taguig Mayor Lino Cayetano.
Kayang mabakunahan ng mobile vaccination hubs ang may 200 sa isang araw at ipaparada lang ito sa isang lugar upang maabot ang mga residente na hindi kayang magtungo sa mga vaccination centers.
We are encouraged by what we see. We are very happy to report that to our COVAX partners as we move towards mobilizing additional vaccines for the Philippines,” pahayag pa ni Dr. Abeyasinghe.
Hinimok pa ni Abeyasinghe ang iba pang mga Lokal na Pamahalaan lungsod at bayan na sundan o tularan ang ginagawang proseso ng Taguig sa napakagandang rollout ng bakuna kontra COVID-19.
It is commendable, and we salute your leadership and initiative. As we roll out the vaccines, we need local government ownership. We need a partnership with key partners on the ground. So let us all come together, cooperate and work together to ensure that the people of Taguig and the people of the Philippines are protected, and we can heal as one in this nation,” saad pa ni Dr. Abeyasinghe.