Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa bayan na nagbabala ang China sa kanya hinggil sa nais niyang gawin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte na noong nakaharap niya si Chinese President Xi JinPing, sinabi niya ang hangaring maghukay ng langis sa pinag-aagawang anyong tubig.
Dagdag pa ng Pangulo na ang sagot lang sa kanya noon ni Xi ay huwag, dahil oras na gawin ito ng pangulo ay tiyak na magugulo o magkakalamat lamang ang samahan ng dalawang bansa.
Mr. President I know that we have conflicting claims but you know I have plans going to West Philippine Sea to dig my oil, ang sagot ni President Xi Jing Ping …almost and whisper, you know Mr. President you know please do not do that… when you do that there will be trouble,” wika ng Pangulong Duterte.