Suportado ng kalahati ng halos 40 alkalde sa lalawigan ng Camarines Sur ang posibleng pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang gobernador dito sa 2022.
Kasunod na rin ito nang inisyung manifesto of support ng grupong Anduyog para kay Robredo na nakikitaan nila ng kakayahang pamunuan ang Kapitolyo ng Camarines Sur.
Kasabay nito, umalma si Anduyog Provincial Chairman, Camarines Sur 4th District Congressman Arnie Fuentebella sa kumakalat na edited copy ng kanilang manifesto kung saan lumalabas sa minanipulang dokumento na ipinost sa Facebook ang pagsusulong ng grupo kay Robredo bilang pangulo ng bansa.
Si dating Camarines Sur 1st District Congressman Rolando Andaya, Jr. ang itinalaga ng Anduyog Party na makipag-usap kay Robredo hinggil sa hiling nilang tumakbo itong Camarines Sur governor.