Dinipensahan ng Department of Health (DOH) ang pagsama sa mga local chief executive sa A1 priority group sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination program.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang napagkasunduang desisyon ng mga miyembro ng Inter Agency Task Force (IATF) at ng National Immunization Technical Advisory group para bigyang konsiderasyon ang uri ng trabaho ng mga local chief executives.
Ani Vergeire, madalas na na-eexpose din sa COVID-19 ang mga lokal na opisyal at iba pang kabilang sa response team.
Kaya naman malaking bagay umano na mabakunahan ang mga local chief executives para makatulong sa pagpapalakas sa kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccines.