Kinakailangan makapagbakuna ng 500,000 katao kada araw o 3-milyon kada linggo sa Metropolitan areas at anim pang probinsya para maabot ang herd immunity sa Nobyembre.
Ito’y ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kumpiyansa namang kayang abutin ang karagdagang 2-milyong Pilipino na mababakunahan ngayong Mayo.
Sa ngayon aniya, aabot sa 60,000 hanggang 70,000 ang nababakunahan kada araw sa Metro Manila.
Ani Galvez, pag nabakunahan na ang mga kabilang sa A1, A2 at A3 priority groups, masasabi aniyang na-contain na ang hospitalization at contamination sa mga vulnerable person.
Aabot kasi aniya sa 16-milyong pilipino ang kabilang sa A1 hanggang A3. Dahil dito, malaki na umano ang pag-asa na hindi na magkaroon pa ng lockdown sa bansa.